Goodbye Fabcon for Now. Hello to Suka!
Goodbye Fabcon for Now. Hello to Suka! Ilang beses ko na din sinubukan ito. Kung dati rati ay madalas akong magpabili ng fabcon, ngayon suka na. Yes, mga mommies at daddies. Very effective din pala sa mga damit. Ginagamit ko ito sa huling banlaw na. Naglalagay ako ng 2-3 kutsara sa tubig bago banlawan ang mga damit. Malambot at mabango ang mga damit. Kung may fabcon ka naman, pwede ka ding maghalo ng suka. Mas napapalabas niya ang bango ng damit gamit ang suka. Nga pala, naglalagay din ako ng suka sa sinaing. Iwas panis 😊 . May gumagawa din ba nito? Try nyo din 😊